To make my February a little bit crazy, I went to Thunderbird Resorts Rizal just by myself to see the much awaited free concert of Vice Ganda.
I really wanna watch her at Metro Bar but I think I still don't have the guts to watch her live (kasi baka okrayin ako, haha joke!) plus (walang kaperahan, symepre). So given this opportunity, GOrabelles talaga ang lola nyo!
I went to ride a shuttle at SM Megamall and then pagdating ng Ortigas I can already see the signs, "This way to Thunderbird Resorts Rizal". Iniisip ko, "Wow! Lapit!" Until nakarating na ako ng Ever Ortigas, Junction, Tikling, at doon ko na-realize grabe ang layo pala. (Napeke ako ng mga signs)!
Until I dropped to SM Taytay kung saan kami magmeet ni Sarah (ang higanteng prinsesa, mamemeet nyo nag picture niya sa baba).
Nagpapareserve ako sa shuttle ng Fiesta Casino from Thunderbird Resorts pero hinanapan ako ng ID ni manong guard. Maglalaro daw ba ako sa casino?
Nataon pa namang office ID lang dala ko (sabi na kasi ni Nica magdala ng ID!) KALOKA! Ang bata daw kasi ng itsura ko. Mahaba-habang interview pa at nakasakay din kami sa wakas.
Nakakatawa sa shuttle kasi may mga lola nagkukwentuhan, parang therapy daw ang casino sa kanya (casino therapy, teh?!) HAHAHA! Pati driver tumawa. Pero syempre walang basagan ng trip di ba? Kung iyon ang ikaliligaya ni lola. Mayaman naman sya!
Tawa tawa pa ko eh di pa pala tapos ang agony ko. Naharang nanaman ako sa immigration (este sa Casino). Bata pa daw ako, di pwede pumasok, patingin ng ID, how old are you, when is your birthday??? Of course, naintindihan ko naman ginagawa lang nila ang trabaho nila at bawal talaga ang mga bata sa Casino, pero hindi na ako BA-TA! harharhar!
With the help of malalim na boses and maayos na pakiusap at sinabi ko kung ano ang pakay ko sa casino, na walang iba kundi si Vice Ganda para mainterview! "Okay, ma'am pasok po muna kayo, laro po muna kayo matagal pa kasi magstart." Haha, maglaro daw?
Buti na lang nakita ko si Sir Ryan sa loob ng casino and nagfeel free na kami sa loob at labas ng Thunderbird Resorts.
While waiting for the sister of Anne Curtis, Vice Ganda, pumunta muna kami sa resort at nagpicture-picture!
At last 10 p.m. na, CONCERT na!!!
SAMPLE! SAMPLE! SAMPLE! Woooooooohhhhh!!! Hiyawan ang mga tao!
Haaayyyy, napaka-POWERFUL talaga ng boses ni Vice Ganda. Nakakatawa kasi kinanta niya yung, "I wanna be a billionaire, so freakin' bad... la la la la la la la la..." Haha, biglang napatingin yung mga naglalaro sa casino (",)! Alam nyo na kung bakit pero hala sige laro pa rin sila.
Kumuha sya ng isa sa mga madlang people at hindi nya inaasahan na super galing nitong kumanta (naka-libre na si Vice ng 2 songs, hihi).
In between inilalabas nya ang kanyang pagiging kabayo (ayon sa kanya yan, huh!) pero what I mean is yung funny side nya. In between ng songs nagpapatawa siya na kahit yung iba eh luma na at napanood ko na sa SHOWTIME, natatawa pa rin ako!
GASOLINE BOY: Sir, magpapa-gas po kayo?
VICE: Hindi, hindi! Bibili ako ng sigarilyo para magsama-sama tayong sumabog dito sa gasolinahan.
WAHAHAHAHA!!!! Babaw ng kaligayahan ko!
Pero nakakaaliw naman talaga kasi siya. Kahit sa mga waiters nakikipagbiruan siya. Then sa kalagitnaan ng show, aba! Wala ng naglalaro sa casino... Kanina subsob lahat sa mga slot machines, pero ngayon lahat nakatingin na sa stage! BONGGA! It really means that Vice Ganda's funny antics are effective!
Hay, patapos na ang show pero bigla ko na lang nasabing bitin ang show kaya manood na talaga ako sa Metro Bar!
Ayan na! Photo Op na! (Muntik pang hindi kasi pagod na talaga si Vice at naintindihan namin yun). Pero HAPPY! Kasi nakapag-papicture. Di ko man na-interview, PAK pa rin!
Sarah and Vice Ganda |
Yung lang! Problema pauwi! 12:30 nagpareserve ng shuttle, 5:30 na ang biyahe, AYOS!
Si Sarah nagpapak ng asukal (ng Starbucks) oh di ba sosyal! Ako naman naubos ko ang isang pack ng DoubleMint!
Pero kahit ganun pa man (oh di ba Tagalog na Tagalog), sobrang HAPPY pa rin kami ni Sarah. Buti daw at hindi namin sinama ang mga THUNDERbelles sa office kasi aawayin kami sa sobrang late namin umuwi.
Pero hindi naman kami nagsisisi kasi sumaya talaga ang ARAW at GABI at MADALING ARAW namin ni Saring!
THANK YOU VERY MUCH FIESTA CASINO THUNDERBIRD RESORTS RIZAL!!!
Awww...what an experience pala. Pero glad to know na nagenjoy parin kau despite that.
ReplyDeleteThanks a lot Ann!
yes, we really did enjoy... buti na lang lapit lang ng house ni sarah
ReplyDeletewe should be the one thsnking you guys...
see you soon